Inamin ni Pangulong Rodrigo Duterte na dumaan na sa maraming tanggapan ng gobyerno ang final at third narco-list ng Pangulo na ang ilan ay kanyang pinangalanan sa 9th National Biennial Summit On Women In Community Policing sa Apo View Hotel, Davao City nitong kamakalawa ng gabi, Setyembre 30 kung saan ito naging tagapagsalita.
“Pina-revalidate ko nang re-validate until the last office was the DILG (Department of Interior and Local Government), from the military to the police to the NBI,” pahayag ng Pangulo patungkol sa pagbusising ginagawa sa hawak nitong narco-list.
Bagama’t inako ang responsibilidad sa naging salto sa naunang inilabas na narco-list ay isinisi ng Pangulo sa ilang law enforcement unit na katuwang sa pagba-validate ng listahan ang salto, kagaya ng pagkakasama sa listahan kina Pangasinan Rep. Amado Espino, Provincial administrator Rafael Baraan at provincial board member Raul Sison.
Aminado rin ang Pangulo na nagkaproblema siya sa mga pulis na nasa drug matrix.
“May blur eh. So, ang sabi ko I will not go into this challenge if hindi ako sigurado because if I name you publicly, it would stain your life forever. But itong nandito, the remaining, ang karamihan kasi ng nandito sa atin is police pati barangay captain, few mayors, maybe two congressmen and judges. ‘Yan ang problema,” banggit pa ni Pangulong Duterte.