Nasa kamay na umano ng mga local government unit (LGU) kung nais nilang magpatupad ng ‘hard lockdown’ sa kanilang mga nasasakupan upang maiwasan ang pagkalat ng COVID-19.

Inihalimbawa ni Department of the Interior and Local Government Unit (DILG) spokesperson Jonathan Malaya, ang ginawang pagpapatupad ng ’48-hour shutdown’ ni Manila City Mayor Francisco ‘Isko Moreno’ Domagoso sa Sampaloc District matapos na maging pasaway ang mga residente doon.

“Si Mayor Isko po… siya ay may kaukulang authority na puwedeng mag-implement ng polisiya na applicable sa kanyang lugar,” ayon kay Malaya sa Laging Handa virtual press briefing nitong Huwebes.

“Iyong mga ganyang hakbangin po, so long as they (LGUs) are closely coordinated with the DILG, ay pinapayagan po ng ating IATF (Inter-Agency Task Force),” dagdag pa ng tagapagsalita ng DILG. (Dolly Cabreza)