Dimples inggit kina John Lloyd, Bea

NI: ARCHIE LIAO

Hindi lang ang mga netizen ang kinilig sa simpleng landian nina John Lloyd Cruz at Bea Alonzo na nag-viral online.

Pati ang kaibigan at co-star nila sa One More Chance at A Second Chance na si Dimples Romana ay hindi rin napigilang mag-react mga naging komento nila sa kanilang Instagram post.

Lalo pa itong pinaigting ng kanilang challenges at pahulaang ginawa kung saan nabuking ang ilang mga bagay tungkol sa kanilang dalawa.

Sa kanyang IG story, nakigulo rin siya at nagpahayag ng kanyang kilig at tila inggit sa palitan ng makahulugang emote ng dalawa.

“Hoy Basha at Popoy, anong iniisip niyo? Bakit ganyan kayo?” ani Dimples.
“Nanahimik ang mga puso namin. Humopia
kami. Grabe kayong dalawa. Ano? Jusko hindi matanggal sa pisngi ‘yung ngiti ko,” dugtong niya.

“Hala! Galit si Daniela!”, ang reaksyon naman ni Bea.

Si Dimples ay gumanap bilang Krizzie,ang best friend nina Popoy at Basha sa dalawang pelikulang kanilang pinagsamahan.

Isa rin siya sa nasasabik sa muling pagtatambal ng dalawa.