Dimples may ‘utang’ pa kay Angel

Nag-post ng heartfelt message si Dimples Romana sa kanyang Instagram account para sa kanyang best friend na si Angel Locsin pagkatapos nitong i-announce na engage na sila ng boyfriend niyang si Neil Arce.

Sabi ni Dimples: “Mahal kong Lyka @therealangellocsin, you will always be my beloved Huling Bantay. It has been a complete honor and privilege to have journeyed through this life beside you.

“For now, your Gabay, Trixie will sign off bilang tagapangalaga mo. Kasi dumating na sya. Eto na yung magaalaga sayo pang habambuhay.”

Nang mabasa ni Angel ang post na ‘yun ni Dimples ay agad siyang nag-response rito.

“Hoooooy! Di ka pwedeng mag sign off!!!! Marami ka pang duties sa akin hehehe. Dito ka lang sa tabi koooo.” (Rommel Placente)