Dimples type magka-diploma

Matapos pumatok nang husto sa mga televiewer ng “Kadenang Ginto” ang character ni Dimples Romana as Daniela Mondragon ay dinagsa na siya ng mga product endorsements. Nariyan ang skin care products na Skin Magical atbp.

Kahit may asawa’t dalawang anak na si Dimples ay naging in-demand na maging celebrity endorser, bagay na kanyang pinasasalamatan. Kahit kontrabida ang kanyang role ay minahal ito ng mga manonod.

Given the chance, gusto rin ni Dimples na balikan ang kanyang pag-aaral. Hindi umano niya natapos ang kanyang Tourism course sa UST at maging ang Culinary sa Enderon. Bukod kasi sa sunod-sunod ang kanyang mga TV assignment, tinulungan muna niya ang kanyang mga nakababatang kapatid na makapagtapos ng pag-aaral. Ang bunsong kapatid niya na lang ang naiwang nagsusunog ng kilay.

Thankful din si Dimples sa kanyang mister na si Boyet Ahmee sa pagiging supportive at understanding nito considering na meron na silang dalawang anak.

Kapag lumuwag-luwag ang schedule ni Dimples ay gusto niyang balikan ang kanyang pag-aaral sa kolehiyo. Type niya umanong kumuha ng Business Administration or Management dahil makakatulong ito sa kanya bilang isang entrepreneur. Gusto niya talagang magka-diploma.

Anyway, mapapanood si Dimples sa “The Mall, the Merrier” na tinatampukan nina Vice Ganda at Anne Curtis. Kalahok sa 44th Metro Manila Film Festival.

***

Tunghayan bukas ng alas-12:00 ng tanghali ang Comedy Queen na si Ai Ai delas Alas sa “Celebrity Talk” online show. Tumutok sa Abante Tonite na napapanood sa website, Facebook page at YouTube channel.

Bakit nga ba umatras si Ai Ai sa plano nila ng kanyang mister na si Gerald Sibayan na magkaroon ng sariling anak ngayong 2020? Ang mga kasagutan ay malalaman sa kanyang mga pahayag sa “Celebrity Talk”.