OBVIOUS na excited si Pauleen Luna sa pagkakaroon niya ng baby.

Kahapon ay nag-post sa Instagram account ng silhoutte ng babaeng buntis at may nakalagay na loading 50%.

Nasa caption nito, “Halfway there!”

Mahigit limang buwan na ang ipinagbubuntis niya at halos iisa ang napapansin ng karamihan na lalo itong gumaganda.

Kitang-kita raw na girl ang ipinagbubuntis nito.

Hindi lang ang pamilya ni Pauleen ang excited at masaya sa kanyang kalagayan kundi pati na rin ang mga anak ni Bossing Vic.

Nakausap namin si Danica Sotto kamakalawa at masaya siya para sa Daddy niya.

Excited na rin silang magkakapa­tid na magkakaroon na ng dagdag na miyembro sa pamilya.

“Super excited kasi matagal-tagal na rin kaming magkakapatid.

“We’re very happy for Dad and Pauleen.

“Nakikita ko tala­gang excited siya, lalo na si Pauleen sobrang excited,” masayang sagot ni Danica.

***

Kahit si Dina Bonnevie ay masaya rin para kay Bossing Vic lalo raw kay Pauleen.

Naalala niya minsang nagbiro si Bossing Vic na baka mapagkamalan na lolo siya ng bagets, pero alam daw ng lahat na magkaka-baby sila ni Pauleen.

Masaya raw siya kay Pauleen dahil alam daw niyang gusto na talaga nitong magka-baby.

“Siyempre, you cannot naman take that right away from Pauleen, because she also has the right to be a mom.

“And any wife would like to be a mother, di ba? Lalo na kung mahal na mahal mo ‘yung lalaking napangasawa mo.

“Siyempre, gusto mo makita ang prutas nang pagmamahalan nyo,” pahayag ni Dina B.

One Response