ANO itong ­balitang ito na pagkatapos ng term ng Actor’s Guild Presi­dent na si Rez Cortez, ang ­pumalit sa kanya ay ang ­Sentimental Songstress na si Imelda Papin na gumawa ng ilang pelikula noong kanyang kasikatan?

Medyo nakakagulat lang at sa ­Kapisanan Ng Mga Aktor ng Pelikulang Pilipino nahirang na lider si Imelda at hindi sa Organisasyon ng Pilipinong Mang-aawit kung saan siya mas nakilala.

Balitang ­tinalo ni Imelda Papin ang ­premyadong aktres na si Dina Bonnevie.

Anyare?

***

Ang Vice ­President naman ni President Imelda ay si Amay ­Bisaya.

Sana lang, pakikinggan ng mga ­interest groups — networks, ads, agencies, film companies at maging ng managers ang ganitong representasyon ng mga aktor.

Bakit kaya walang mas prominente at aktibong aktor ang mamuno ng Actors Guild?

***

Happy 2nd Wedding Anniversary kina Aiza Seguerra at Liza Diño na nagdiwang ng kanilang anniversary sa Island sa Libertad, Antique.

At talaga namang ­social media savvy ang mag-asawang ito at pati kanilang bakasyon ay naka-live sa FB at Instagram. Pagkatapos ng isyu ng Oro, ano kaya ang masasabi ni Liza sa mga patutsada ni Mocha sa MTRCB?

Kahit parehong ­nangampanya kay ­Digong, parang hindi magka-wavelength ang dalawa, ­although parehong sabik sa ­social media.

***

Kawawa si Ejay Falcon sa ­promo ng pelikulang Extra Service sa ASAP.

Nagmukha siyang old stud at wala sa kundisyon ang katawan dahil buff pareho sina Vin Abrenica at Enzo Pineda.

***

Puwedeng pumasang mas sosyal na ­kapatid ni Melai Francisco si Klarisse sa ASAP Biriteras.

Pareho ang wangis ng kanilang mukha at kung hindi lang nagpa-agua oxinadang blonde si KZ Tandingan, puwede siyang pinsan nila.