Iniulat ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na natapos na ang road improvement project sa 11 kilometrong Dinagat-Loreto Road na mag-uugnay sa mga munisipalidad sa Dinagat Islands.
Ayon sa ulat ni DPWH Region 13 Director Danilo Versola kay DPWH Sec. Mark Villar, mapapakinabangan na ng mga residente at negosyante sa mga bayan ng Cagdianao, San Jose, Basilisa, Libjo, Tubajon at Loreto ang proyekto.
Ang proyekto na pinaglaanan ng P425 milyon ay inaasahang dadagsain ng mga lokal at dayuhang turista mula sa Dinagat Islands province hanggang sa Leyte Gulf sa Caraga Region.
Tinawag na “Mystical Island Province of Love” ang Dinagat Islands at ang bat sanctuary din ay matatagpuan sa bayan ng Tubajon, gayundin ang Disney-like structure na tinawag na White Castle sa San Jose.