Dindin kapit, dasal sa harap ng COVID-19

Kapit at dasal lang ang sinasandalan ni Philippine SuperLiga (PSL) star Aleona Denise ‘Dindin’ Santiago-Manabat sa panahon ngayon ng enhance community quarantine (ECQ) dahil sa coronavirus pandemic.

Hindi nawawalan ng pag-asa ang Chery Tiggo Crossover ace middle blocker/wing spiker na malalagpasan ng lahat ang krisis sa na dulot ng nasabing sakit na buhat sa Wuhan, China.

Caption ng 26-year-old, 6-foot-3, Tanza-Cavite native at veteran internationalist sa Instagram account niya, “Kappag nawawalan ka na ng pag-asa, tingin ka lang sa malayo tapos dasal ka lang magiging okay na ang lahat.”

Sinaad pa ng naglaro sa nakaraang taon sa (Japan) V-League Division 1, “Maniwala ka at magtiwala ka lang.”

Sa ikawalong linggo na ang ECQ sa bansa, at lagpas na sa 9,000 ang mga dinapuan ng COVID-19. (Janiel Abby Toralba)