‘DING, ANG SABON!’

Alice Dixson

NILIGWAK sina Gretchen Barretto at Alice Dixson para mag-endorse ng isang sabong pampaputi.

Nakakagulat ang papalit sa kanila, walang iba kung ‘di si Anjanette Abayari.

Ang tanging nasabi ni AJ sa tanong kung bakit siya ang napili ay, “Ding, ang sabon!”

Si AJ ang Bb. Pilipinas Universe noong 1991 at naging Darna noong panahong iyon.

***

Tanong ng mga tao sa Araneta Coliseum, bakit ang baba ng prize money sa Bb. Pilipinas winners?

P500K na managerial contract na mataas pa ang premyo sa PBB o sa The Voice Philippines?

Ibig ding sabihin ay pagtatrabahuhan ng winners ang kanilang prize at walang outright na cash prize incentive katulad ng ibang contests.

***

Nanguna pa rin sa takilya ng North America last weekend ang The Fate of the Furious aka Fast & Furious 8.

Tinatayang naka-$19.4M ito last weekend, kaya more or less eh $192.7M ang domestic gross nito sa tatlong weekend.

Lampas na sa $1B ang worldwide gross nito.

Sa paparating na weekend pa lang ipapalabas sa mga sinehan ng USA at Canada ang Guardians of the Ga­laxy Vol. 2.

Ang mga runner-up sa takilya at ang estimated opening weekend gross nila ay ang mga bagong movie na How To Be A Latin Lo­ver ($12M), Baahubali 2: The Conclusion ($10.1M) at The Circle ($9.3M).