Masaya at excited na nag-renew si Dingdong Dantes ng kanyang exclusive contract sa GMA network na sinundan ng isang press conference kahapon ng tanghali.

Ayon kay Dingdong, sa loob ng 21 years na pagiging Kapuso niya ay napakarami nang nangyari sa buhay niya. Dito raw niya nakilala ang kanyang napangasawang si Marian Rivera. Dito siya naging ama, dito siya nagkapamilya at lahat na nga raw ng highlight sa buhay niya ay dito naganap.

Marami raw siyang memorable experiences sa naging journey niya sa GMA-7 lalo na ang tiwalang ibinigay daw sa kanya ng mga bossing sa loob ng 21 years.

Sa presscon ay inanunsyo na rin ang next project ni Dingdong. He’ll be playing “big boss” sa Pinoy adaptation ng hit Korean drama na “Descendants of the Sun” na pinagbidahan nina Song Joong Ki at Song Hye Kyo in 2015.

Sobrang happy ng aktor na sa kanya ipinagkatiwala ang ma­laking proyektong ito na matagal na ngang inaabangan kung sino ba talaga ang gaganap.

When asked kung ano-ano ba ang preparations na ginagawa na niya for the role, ani Dong ay wala pa nga raw masyado dahil binubuo pa raw ang buong show. Wala pa ring leading lady na in-announce.

“Ako, more than being physically prepared, I think I’m very much emotionally prepared, spiritually prepared to take on anything lalong-lalo na sa isang napaka-espesyal at napakahalagang programang kagaya nito dahil kakaiba ‘yung ano ko ngayon, inspirasyon saka hugot saka motivation more than ever, etong chapter na ito ng buhay ko,” pahayag ni Dong.

Ayon pa sa aktor, pinanood daw niya ang nasabing K-drama at nagustuhan niya agad ang story.

“I really fell in love with the material. Napakaganda. Siyem­pre, habang pinapanood ko siya, as an actor, sino bang hindi gusto na gumanap dito and masayang-masaya ako na ipinagkatiwala sa akin ‘to,” sabi ni Dong.

Siyempre super-happy rin si Dingdong sa kasisilang lang na baby boy nila ni Marian. Six days old pa lang si Ziggy at sey ni Dong, nag-a-adjust pa raw sila ngayon.

“Pero sa bahay, masayang-masaya talaga dahil may bagong dumating, ‘di ba? Very happy lang.”

Okay na raw si Ma­rian ngayon and in fact ay balik na sa pagga-gardening.

Pabirong natanong ang aktor kung gusto pang magbuntis ulit ni Marian at sey ni Dong, “hindi niya ako sasagutin ngayon. Siguro mga in 1 year, tatanungin ko siya ulit.”