TILA hindi affected si Dingdong Dantes sa nilikhang kontrobersya ng upcoming Kapuso series niyang Alyas Robin Hood na napabalitang kinopya sa US TV series na Arrow.
Noong Sabado ay pinost ni Dong sa Instagram ang masayang family bonding nila ng kanyang mag-inang Marian at Baby Letizia sa may McKinley West.
Sobrang cute nu’ng video na nasa isang seesaw sila, tapos ay pinapakita ni Zia sa kanyang Mommy Yan ang kanyang ‘rat face’ at nagbe-bless ang mag-ina sa isa’t isa at nagmi-make sounds gamit ang kanilang bibig.
“Go, my Letizia!” ang very tatay na sey ni Dong habang bini-video ang kanyang adorable wifey and daughter.
Mukhang ‘Zia time’ talaga ang weekend para sa mag-asawa, lalo na ang Sabado dahil ‘pag Linggo ay may Sunday PINASaya si Yan.
Ang sunod na pinost ni Dong ay isang black & white pic nila ni Zia na ang caption niya ay, “Who says play school is only for the young?”
Super-cute ni Baby Z sa suot nitong onesie na dog ang design, habang ang bumubuhat sa kanya si Daddy Dong ay naka-smile na labas nang slight ang dila at may suot na kiddie headband.
Ito ‘yung nabanggit sa amin last time ni Marian na ‘nag-aaral’ na ang 9-month-old na si Zia.
Pumapasok na si bagets sa isang play school na mostly ay naglalaro lang ito kasama ang

parents.
Sa Instagram Story ni Dong ay nakita namin na nag-dinner sila sa Purple Yam sa Malate.
Kahapon nang umaga ay pinost naman ni Dong ang pic ng kanyang running shoes at medal for finishing the 21K run sa Heroes for Children Run 2016 ni Anne Curtis para sa UNICEF Philippines.
“It was difficult today due to a minor foot injury, but because of the encouraging theme of the run, I did it anyway,” ang sabi ni Dong sa kanyang IG post, na may kasamang hashtag na #ForZs9th.
Nag-9 months na ang panganay ng DongYan na si Zia nu’ng August 23.
Walang tweet o IG post si Dingdong kaugnay sa Alyas Robin Hood-Arrow brouhaha, na tama lang dahil baka magmukha pa siyang defensive kapag nagreak siya.
Siya ang bida ng bagong action-serye ng GMA, pero hindi siya ang sumulat nito, artista lang siya.
Tama lang na ang writer at production team sa likod nito ang dapat magsalita sa isyu.
Ireserba na lang niya sa presscon ng show ang mga opinyon at gusto niyang sabihin hinggil sa Arrow copycat controversy dahil tiyak na matatanong at matatanong siya rito.
At any rate, biglang naging maingay at pinag-usapan nang husto ang bagong serye ni Dong dahil sa nangyari.
Dahil dito ay parang ang dami nang gustong makapanood nito at maikumpara sa Arrow.
PAK na PAK!
GANERN na GANERN!
kopyador talaga mga yanlalo na yan GayaMA walang originality yong husband’s lover nga kinopya sa indie movie ni coco
Talaga… galing mo naman. Klapklapklap.