Dingdong happy ninong sa anak ni Richard

Marami ang natuwa nang k­uning ninong ni Richard Gutierrez si Dingdong Dantes para sa kanilang second son ni Sarah Lahbati na si Kai.

Na kahit may pagkakataong naging magkaribal sila sa GMA-7 at pinagsasabong ng mga fans, in real life ay friends naman pala sila.

Kahit si Dong ay tuwang-tuwa and feel very honored na kinuha siyang godparent for Kai na bininyagan last week.

“I’m very, very honored and I hope na I’ll live up to the expectation to becoming a very good godparent,” sey ni Dong nang makatsikahan namin recently sa contract signing niya bilang endorser ng Mesa Restaurant.

Pareho na sila ni Richard na dalawa na ang anak ngayon at parehong masayang-masaya sa kanilang family life.

Natanong nga si Dong kung kelan nila ulit planong magdagdag ng tsikiting since marami nga ang gusto ng misis niyang si Marian Rivera at natawa ang aktor.

“Hindi pa namin napag-uusapan,” sagot niya.

Two months old pa lang si baby Ziggy kaya pagpahingahin naman muna natin si Marian. (Vinia Vivar)