NI: ARCHIE LIAO

Ayon sa Kapuso actor na si Dingdong Dantes,sakaling ma-lift na ang enhanced community quarantine o lockdown sa NCR, una niyang gagawin ay pumunta ng Tanay.

Aniya,na-miss daw niya ang nature tripping kaya gusto niyang mamundok.

Feeling din niya, kailangan din niyang mag-commune with nature para pakawalan ang buntong-hininga.

Hirit pa niya, nais din daw niyang mag-motocross since isa ito sa paborito niyang sport.

Hindi raw niya kasama ang kanyang misis na si Marian Rivera, since it is one for the boys.

Likas sa ugali ni Dingdong ang pagiging nature lover, bagay na nai-enjoy niya sa kanyang pagho-host ng Amazing Earth.

Para sa kanya, priceless din ang bonding moments niya with his family during home quarantine.

Tini-treasure raw niya ito dahil oportunidad daw ito para masilayan niya mismo ang paglaki nina Zia at Ziggy, bagay na hindi niya napapansin noong busy siya sa kanyang trabaho.

Dagdag pa niya, nag-enjoy raw siya sa indoor games nila with his kids .Bumalik daw siya sa pagkabata via role playing.