Aster Amoyo
Natutuwa si Dingdong Dantes na siya ang first and final choice ng magkapatid na Rikki at Eric Eric Dee, ang CEO at COO respectively ng Foodes Global Concepts na maging unang brand ambassador ng MESA Restaurant.
Bukod sa paborito nilang mag-asawa ang pagkain ng nasabing restaurant, gusto rin ni Dingdong na magkaroon ng sarili niyang franchise at pina-reserve na niya sa magkapatid ang No. 68 branch.
“Masarap mag-endorse ng isang brand na pinaniniwalaan mo,” deklara ni Dingdong. “And I will do my part na maging karapat-dapat sa tiwalang ibinigay nila sa akin,” patuloy niya.
Being a family man, long-term ang mga plans ng dating dancer-turned actor and TV host.
“Dalawa na ang supling namin ni Marian, sina Zia at Ziggy kaya ngayon pa lamang ay ang magandang future ng mga anak namin ang pinaghahandaan ko,” pahayag pa ng Kapuso actor-TV host.
Consistent din siyang host ng reality talent search ng GMA, ang “Starstruck” at sa ika-7th season ay co-host niya ang first Ultimate Female Survivor na si Jennylyn Mercado na first time niyang makatrabaho sa telebisyon.
Jacqui kakulangan
sa music industry
Hindi lang kay Eddie Garcia nagluluksa ang showbiz kundi pati sa pagyao ng renowned jazz artist na si Jacqui Magno sa edad na 65.
Pebrero ng taong kasalukuyan nang ma-diagnose si Jacqui na may pancreatic cancer (stage 4) pero naging tahimik lamang ito sa kanyang naging kalagayan.
Bago naging solo artist si Jacqui ay naging miyembro siya ng Genesis Band na unang nakasama ang isa ring OPM music icon na si Basil Valdez. Pero hindi nagtagal si Jacqui sa nasabing banda dahil sa kanyang pagbubuntis at pagsilang ng kanyang anak.
Hindi naglaon ay na-recruit naman siya na maging bahagi ng Circus Band, isa sa mga sikat na banda nu’ng dekada sitenta na pinagmulan din nina Basil Valdez, Hajji Alejandro, Tillie Moreno, Pabs Dadibas, Ceres Jacinto and the late Richard Tan at Didith Reyes.
Nang ma-disband ang Circus Band, lahat sila ay nag-solo. Si Jacqui ay nag-focus sa kanyang pagiging solo jazz artist at nakipag-collaborate din siya sa ibang jazz artists including Bong Penera at marami pang iba.
Jacqui was considered as one of the finest jazz singers ng bansa at nakatrabaho niya maging ng mga kilalang foreign jazz artists. She is also known for her signature hit song na “Bridges”.
Kung ang screen legend na si Eddie ay malaking kawalan sa movie and TV industry, isa ring great loss si Jacqui sa Philippine music scene.