Dingdong nag-aral mag-gitara sa quarantine

Dingdong nag-aral mag-gitara sa quarantine

May bagong hobby ngayon si Dingdong Dantes habang naka-quarantine. Nag-aaral siya ngayong mag-gitara base na rin sa kanyang latest Instagram post.

Ayon kay Dong, noon pa raw niya gustong matutong mag-gitara pero hindi nga siya magkaroon ng oras. Kaya naman ito na raw ang tamang panahon.

“Back in grade school, i was a drummer of an amateur rock band whose only claim to fame was winning first runner up in the school’s ‘94 Battle Of The Bands. Second out of only 2 participating groups!

“Since then, I’ve always wanted to learn how to play a whole song on guitar. The farthest i’ve reached was learning 3 chords— G, D and A, mula pa sa kabanda kong magaling mag gitara.

“I had given up on that dream not until i saw the post of @kuyakim_atienza wanting to learn the instrument during this ECQ. So ayun, kailan pa ba ako matututo kundi ngayon?!” post ni Dong.

At mukhang seryoso nga ang aktor dahil nag-online tutorial pa siya at ang una niyang pinag-aaralan ay ang “Happy Birthday” song.

“I am grateful to my friend (and grade school classmate) for hooking me up with one of their stocks! Mabuti na lang at may on-line tutorials din for beginners like me.

“First on the list is for my little Buddy’s celebration this coming Thursday— ang napakahirap at napakalupet na Happy Birthday song. Ikaw, ano request mo?” post pa ni Dong.

Samantala, ipinost din ng aktor sa kanyang IG Story ang pagse-shave sa buhok niya ng misis na si Marian Rivera. Hindi kasi puwedeng humaba ngayon ang hair ni Dong dahil nga sa kanyang role bilang sundalo sa Descendants of the Sun.

Ang cute nga nila tingnan as Marian fulfills his wifey duty to Dingdong.