ANG GMA Network Instragram page, tila bumahag ang buntot at baka may chance na natakot — kung kanino man, malay ko at pakialam ko.

Kasi, they deleted the larawan of Dingdong Dantes at Andrea Torres na alam mong galing sa Alyas Ro­bin Hood 2.

Eh kasi, naglala­gablab ang eksena sa larawan. Major, major ang laplapan nina Dantes at Torres bilang Pepe at Venus.

Hindi ko alam kung ano ang dahilan kaya ganito karubdob ang halikan nila. Maa­lab na maalab.

Tsalap-tsalap moment ‘ika nga at tila si Dingdong ang mas agresibo. Ngabngab kung ngabngab ang bida sa action drama serye.

Kahit pa deleted, laging handa at mas maagap pa sa boy at girl scout ang isang pa-kontrobersyal portal. Dito makikita ang nakakakiliting larawan.

Ang tanong, bakit kailangang i-delete ang larawan? Akala ko ba, serbisyong totoo lamang ang GMA 7?

What’s wrong with the picture? UMAARTE lamang sina Dingdong at Andrea.

Passionate sa isa’t isa sina Pepe at Venus. Marubdob ang damdamin at elya factor na na­raramdaman nila bilang kanilang mga karakter.

Ibinalandra nila ang larawan para patakamin ang televiewers. Nga­yong binura nila ito pero nakita pa rin, they just added more fuel to the fire.

Ang dapat na AKTINGAN lamang bet­ween the two, mas magkaka-malisya tuloy lalo.

Who are they trying to protect?

Ang misis ni Dantes na si Marian Rivera? Artista rin si Marian. Alam niyang ang kissing scenes, part of the territory ng mga papel nina Dantes at Torres.

Hindi teen ager ang roles of the two. Adults na ang kanilang mga tauhan who happen to be in a relationship.

Part of a relationship of course ang physical intimacy.

Professional na artista si Marian at alam niyang trabaho lang ito ni Dingdong, walang personalan. So, going back to the question, bakit kailangang i-delete?

Looking at the picture, hindi pwedeng i-deny na ang chemistry at rapture nina Dingdong & Andrea.

Ang ganyang che­mistry, hindi nawo-workshop ‘yan. It’s either the duo has it, or they don’t.

Hindi nila kasala­nan kung oozing sila with charisma together na bordering on the sexual.

Dapat palakpakan kung sino ang nakaisip na pagtambalin sina Dong at Torres dahil for the longest time, maliban sa asawa niya, their network was having a difficult time finding Dantes’ other ka-match.

Si Andrea pala ang hinihintay at talagang match na match sila bilang onscreen TV partners.

Marami ang umaasa na one of these days, magkaka-sexy movie­ ang dalawa together.

Panalo siguro if they do a Fatal Attraction o kaya ‘yung Unfaithful.

Ano kaya kung magka-sexual congress scene sina Pepe at Venus? Kung ang lips-to-lips nila eh maa­lab na maalab na, gaano pa kaya kainit ang kanilang pagsisiping?

How far will the production push their on screen TV intimacy?

‘Yun ang mas kaabang-abang.

Dito masusubok ang husay nina Dingdong at Andrea. Dapat manalig tayong lahat na totoong-totoo ang kanilang sexual congress at dapat maramdaman natin ang perfect combo of pagmamahal at pagnanasa nila for each other para masabi nating CONVINCING!