Dingdong nasarapan sa patikim ni Marian

Mukhang nasarapan si Dingdong Dantes sa pinatikim na pandesal ni Marian Rivera.

Sa Instagram story ng aktres , makikitang sinubukan niyang gumawa ng ube cheese pandesal na aniya’y in-demand ngayon sa madla na naka-home quarantine.

Meron pang video na hinalintulad ng aktor sa clay ang nirorolyong pandesal ng aktres.

“Panalo! Yaaay,” ang komento ni Yan sa gawa.

Masisilayan din ang ngiti ni Dong habang kumakain ng pandesal.