Dingdong at Piolo, IKINAKASA sa PINTAKASI

Dingdong Dantes

KUNG hindi pa namin nakausap si Dingdong Dantes sa set ng Alyas Robin Hood ay hindi namin malalaman na bati na pala sila ni Direk Erik Matti.

Sumama ang loob ni Dong kay Direk Erik nu’ng malaman niyang si John Lloyd Cruz na ang bida sa isang film project na gagawin dapat nila (na naging Honor Thy Father ang title).

In fairness ay na­ging quiet lang si Dong tungkol sa isyung ‘yon. Katwiran niya, kung anuman ‘yung nangyari ay sa kanila na lang ‘yon ni Direk Erik.

Aniya, kumbaga sa isang pamilya, kung may samaan man ng loob ay sila-sila na lang ang dapat mag-usap at hindi na ito kailangang ilabas pa.

In fairness ay hindi raw sila nag-away ni Matti, na hindi niya lang direktor kundi co-producer pa sa The Aswang Chronicles movie series.

Nabanggit kasi ni Dong na dalawang pelikula ang ipo-produce ng sarili niyang film company na Agosto Dos Pictures next year.

Nang alamin namin kung kasama ba rito ang part 3 ng Aswang Chro­nicles, doon sinabi ni Dong na nag-uusap na sila ni Direk Erik.

So, okey na pala sila. As in nagbalik na ‘yung dati nilang friendship?

“Basta, nag-uusap na kami,” ang maiksing sagot ng Kapuso Primetime King.

Kahapon ay tinanong namin si Dong kung totoo ‘yung nabalitang Pintakasi movie na ididirek ni Matti at pagsasamahan nila ni Piolo Pascual.

Isang makahulugang SMILEY emoji lang ang sagot ni Dong sa tanong namin, na ang interpretation namin ay YES ang ibig sabihin.

***

Feeling ni Dingdong ay naging sobrang bagal ng first half ng kanyang 2016.

Nagpaka-daddy lang kasi siya at nagbantay kay Baby Letizia habang mas abala sa trabaho ang misis niyang si Marian Rivera-Dantes.

Ang akala ni Dong ay matatapos ng gano’n ang taon niya, pero dumating ang Kapuso action-drama serye niyang Alyas Robin Hood at nagawa niya ang pelikulang The Unmarried Wife sa Star Cinema.

Patok sa ratings ang ARH at wagi sa takilya ang TUW, kaya magtatapos nang maganda ang taon ni Dong.

Natatawa na lang siya na medyo naging hectic ang akala niya magiging relaks lang na Christmas.

Ayun tuloy, hindi matutuloy ang orihinal na plano na lilipad sila pa-Spain sa Pasko para makilala ni Letizia ang lola nito na ama ni Yan.

Sey ni Dong, hindi kaya dahil sa taping niya ng ARH. Wala siyang mahaba-habang bakasyon dahil wala silang nakabangkong episodes.

Kaya depende pa. Kung maisipan man nilang magbiyahe sa Pasko ay sa malapit lang, ‘yung tipong hindi lalampas ng 4 hours ang travel.

Actually, ang wish niya this Christmas ay 5-day break with his fa­mily, na mukhang imposible.

Malamang after na ng Alyas Robin Hood nila ituloy ‘yung plano nilang Spain trip with Baby

Zia, so medyo matatagalan pa ito dahil ariba sa ratings ang ARH.

May balitang magi­ging active ulit ang GMA Films sa 2017 at ang sabi-sabi ay may project na pagtatambalin sina Dong at Jennylyn Mercado sa isang pelikula.

Ayon kay Dong, pag-uusapan pa nila ang tungkol doon.

‘Yung sitcom kasama ang misis niyang si Ma­rian, ang sabi ni Dong ay dream project niya ‘yon.

Sana raw ay matuloy ‘yon next year dahil nasa wish list niya ang sitcom nilang mag-asawa.