Dingdong, proud na proud kay Baby Zia

DINGDONG, ZIA at MARIAN

NAKAKATUWA kapag nagkukuwento si Dingdong Dantes tungkol sa panganay nila ni Marian Rivera na si Baby Zia.

Nakaka-inspire ang pagpapalaki nila sa kanilang anak.

Kuwento ni Dingdong sa kanyang mag-ina, “They really look good together. Kaya nga, kapag napi-picture-an ko sila, eh sobrang gandang-ganda ako.

“Kapag nakikita ko silang terno, parang like mother, like daughter talaga.

“And bukod sa pagiging fashionista, ang magandang manahin ay ang pagiging mabuting tao talaga.

“Friendly siya, friendly siya kapag mara­ming tao ang kaharap niya. Talagang nakiki­pag-communicate siya, kinakawayan niya,” dagdag ng Kapuso Primetime King.

Inspired na inspired tuloy si Dingdong na gampanan pa nang mas mahusay ang kanyang karakter bilang Pepe sa Alyas Robin Hood.

***

Bagong taon, bagong adventure sa GMA Astig Authority!

Simula ngayong Linggo ng 7:00 AM, mapapanood na ang Oreca Battle.

Ang anime na ito ay tungkol sa batang lalaki na si Faiya Orega na mahilig sumali sa Oreca competitions.

Mabibigyan siya ng kapangyarihang tawagin ang mga tunay na Oreca monsters, sa tulong ng hiwaga ng Pandora.

Kakalabanin niya ang isang demon king na may balak maghasik ng lagim sa kanilang lugar.

***

Magsisimula na ang Kapuso game show na People vs. The Stars mamayang 5:00 PM.

Guests sa pilot episode ang magbabarkadang sina Alden Richards, Derrick Monasterio at Kristoffer Martin.

Makaya kaya nilang sagutin ang walong questions?

O hahayaan nilang manalo ang kanilang ­avid fans?

Kasama ang po­wer couple na sina Drew Arellano & Iya Villania, huwag palampasin ang excitement ng People vs. The Stars sa GMA Sunday Grande.