SA Lunes (August 14) na magsisimula ang book two ng Alyas ­Robin Hood ni Dingdong Dantes. Ito ang kapalit ng My Love From The Star na magtatapos mamayang gabi.

Magsisimula ang ­kuwento sa paghahanap niya sa kanyang ina, dahil nawala ito nu’ng natapos ang part 1, kaya iyun ang isa sa aabangan.

Malaki ang ipinayat ni Dingdong, kaya lalong gumanda ang katawan at bumagay sa kanyang karakter.

Natatawa siya nang binati namin ang pagpayat niya dahil hindi raw talaga siya nakapag-ensayo nang husto.

‘Yung pag-alaga kay Zia, yun na raw ang ­training at ensayo niya.

“Training ko, pag-­aalaga ng bata, eh,” napa­pangiti niyang sagot,

“Nagtatakbo na siya kasi, eh. ‘Pag binitawan mo siya, parang kaila­ngan mo nang mag-sprint para habulin siya.”

Kagaya ni ­Marian ­Rivera, hindi rin ­niya naiwasang magkaka-­sepanx (separation ­anxiety) kapag umaalis siya pa­puntang taping.

“Tiis lang talaga, lalo na siguro ‘pag may ­sumabay na pelikula.

Hindi naman forever ‘yun, di ba? Siguro tiis ng ilang buwan. “Alam ko naman na matatapos din ‘yun. Lahat naman ng ito ay para sa kanya,” tugon ni Dingdong.

Nabanggit ni Marian na pagkatapos ng soap nila, baka doon na nila planuhin na masundan na si Zia.

“In God’s perfect time,” tipid na sagot ng aktor.

Doon pa rin sa presscon ng Alyas Robin Hood, natanong na rin sa kanya ang tungkol sa isyu kay Andrea ­Torres sangkot si ­Marian na nagsimula sa part one ng ­seryeng ito.

Pinag-­uusapan pa rin ito at ­inaasahang muling mauungkat dahil kasali pa rin si Andrea sa book two. Umabot na ‘yon sa pamba-bash ng kani-kanilang fans.

Sabi ni Dingdong, “Karapatan naman nila na magkomento pero minsan talaga, kapag nasa social media, kailangang ma-regulate din ‘yung mga sina­sabi, ‘yung mga pinu-post, ‘yung mga ginagawa.

“Kasi, ‘pag ­dumating na sa bashing, kapag ­dumating na sa ganu’n, cyberbullying na ‘yun, and no one deserves to be cyber­bullied.

“Kasi, ang cyber­bullying can result to so many things. Like ­depression.

“Minsan, may mga sinasabi sa studies na marami ring nagsu-­suicide na mga ­kabataan dahil sa kanilang inter­action sa social media na hindi nila ma-control.

“So, ‘yung mga bagay na ganito, kailangan regulated talaga.”

Mukhang wala namang problema ayon kay Andrea, dahil wala raw ilangan sa set.

Kunsabagay, ­nakikita ­namin sa mga litrato ng Alyas Robin Hood na kampante silang lahat at sabi nga ni Andrea, wala raw ilangan sa set.

Okay raw silang lahat, dahil wala raw talagang problema.