Excited na rin si Dingdong Dantes na idirek ang asawang si Marian Rivera ngayong Lunes sa Tadhana na drama antholo­gy ng aktres sa Kapuso.

Si Dingdong ang magdidirek ng anniversary episode ng show at sa Monday na nga sila magti-taping. Noon pa naman ay naipa­ngako na talaga ito ng aktor and finnaly after a year ay natupad na.

“Medyo long overdue na rin ito,” sey ng bida ng “Sid & Aya (Not a Love Story).

Ito ang unang pagkaka­taon na maididirek ni Dong ang asawa kaya natanong namin kung ano kaya sa tingin niya ang magaganap.

“Ewan ko du’n, basta magaling naman ‘yun, ka­yang-kaya niya ‘yun,” sambit ni Dong.

Paano kaya niya ididirek si Yan?

“Basta, kung pasaway siya, lalatiguhin ko na lang,” natatawang sabi ng aktor.

“Pero hindi, hindi ‘yan,” bawi rin niya, “napaka-ano nu’n, sa set parating maagang dumadating, alam niya kaagad ‘yung lines niya, alam niya ‘yung gagawin niya. Kung paano siya nagkakilala kami noon sa Marimar, sigurado ako, ganu’n din gagawin niya and pati sa mga co-actors niya, walang nagkakaproblema sa kanya, lalo na ang direktor.”

When asked kung tuloy tuloy na ba ang pagiging direktor niya, ani Dong ay hindi naman daw at special episode lang daw kasi talaga ito ng Tadhana.

At dahil nga raw special ay wala raw siyang talent fee na hiningi as a director.

“Sabi ko, hindi naman kailangan. Gagawin ko ito sa kanila just for the love of it, dahil show niya ‘yun and anniversary nila,” he said.

Tom masahol sa syota ang tingin kay Carla

Wala pang airing date. Kina-can muna namin.” Ito ang sagot ni Tom Rodriguez nang matanong namin kung kailan ba talaga nila balak pakasal ng girlfriend na si Carla Abellana.
“Hindi naman siya ‘yung parang journey or ‘yung isasabay mo sa kunwari, magpapa-pressure ba tayo na ganito-ganyan. Siyempre, we’re basing it off with our own internal clock pareho.

“Parang alam na namin ‘yung goals. At least, our goals are shared din naman. ‘Yun lang ang masasabi ko. Pero as far as time, parang that’s premature.

“Parang kunyari, movie na may airing na, kaya hindi mo fully maituloy kasi nakatali ka na sa airing date. Kaya kina-can muna namin. Canned,” natatawang sabi ni Tom at the set visit of his Kapuso primetime series na The Cure kasama si Jennyln Mercado.

Hindi naman itinatanggi ng aktor na may pressure rin sa kanya to really work hard now dahil nga hindi na sila bumabata.

“Both of us are doing our part naman regarding that,” he said.

Pero sa ngayon, sure naman daw siya talaga na si Carla na ang babaeng gusto niyang pakasalan.

“Sobrang okay lahat. I don’t see her as my girlfriend. She’s my partner,” sambit niya.

Samantala, nage-enjoy si Tom sa mga action scenes niya sa The Cure dahil matagal na raw niya itong gustong gawin. Bata pa raw siya ay mahilig na raw siya sa martial arts and boxing kaya gusto niya ring masubukan na magkaroon ng action movie or teleserye.

“Tagal ko nang hinihintay, ngayon lang nabigay sa akin,” he said.

Kahit nga raw nagkakasugat-sugat siya sa taping sa mga fight scenes niya, balewala raw ito sa kanya sa enjoyment na nakukuha niya.

Sana nga raw ay magkaroon pa siya ng mas mara­ming action scenes sa serye.