Diokno gigisahin sa inipit na 1.3T budget

Ipatatawag ng Kamara si Budget Secretary Benjamin Diokno para pagpaliwanagin sa isyu ng underspending ng P1.3 trilyong pondo ng gobyerno.

“We will summon the Budget secretary probably next week,” sabi ni House Minority Leader at Quezon Rep. Danilo Suarez na siyang chairman ng binuhay na House committee on oversight sa pulong-balitaan kahapon.
Inihain ni Suarez ang isang resolus­yon para maipatawag si Diokno.

Binanggit ng lider ng minorya na maaaring hindi alam ni Pangulong ­Rodrigo Duterte ang tunay na sitwasyon.

Posibleng hindi umano inilalatag kay Duterte ang katotohanan patungkol sa problema ng kawalan ng trabaho sa bansa.

“The President entrusted this job to economic managers, he has his hands full in this fight against drugs, crimina­lity, terrorism which should also be ­given due priority. Palagay ko ‘di lahat sinasabi sa Pangulo, ang problema, tulad n’yang lumabas sa SWS (Social Weather Stations) na 8.9 million (Pinoy) unemployed able bodied citizen puwede magtrabaho. Mga issue na itinatago sa Pangulo,” komento ni Suarez.