Lusot na sa Commission on Appointments (CA) ang pagtalaga kay Benjamin Diokno bilang kalihim ng Department of Budget and Management (DBM), unang miyembro ng gabinete ni Pangulong Duterte na kinumpirma ng CA.

Inabot lang ng halos kalahating oras si Diokno nang isalang ito sa committee level at plenary level ng CA, bago pagtibayin ng mga senador at kongresista ang kanyang appointment.

Ipinaliwanag ni Sen. Juan Miguel Zubiri na hind­i na kailangan pang tanungin si Diokno dahil ito na ang ikatlong tour of duty niya sa DBM.

Una siyang naging assistant minister ng DBM sa termino ni dating Pangulong Corazon Aquino­ at bumalik bilang kalihim sa termino ni dating Pangulon­g Joseph Estrada noong 1998.

Si Senate Minority Leader Ralph Recto, kababayan­ ni Diokno sa Batangas, ang nagrekomenda na aprubahan agad sa plenary ang appointment ni Diokno bilang kalihim ng DBM.

“He has been involved in preparing or executing­ 12 national budgets — from the time of typewriter­ to the age of Twitter — and that alone speaks volumes­ of his competence for the job,” wika ni Recto.