Kumpiyansa ang Malacañang na lulusot sa Commission on Appointments (CA) si dating Budget Secretary Benjamin Diokno bilang bagong gobernador ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) sa kabila ng mga kontrobersiyang ibinabato laban dito kaugnay ng 2019 natio­nal budget.

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Pa­nelo na naniniwala siyang kayang sagutin ni Diokno ang mga itatanong sa kanya ng mga miyembro ng CA sa sandaling sumalang na ito sa kumpirmasyon.

Ayon kay Panelo, ma­lawak ang karanasan ni Diokno bukod pa sa pagiging eksperto nito sa kanyang larangan at mayroong integridad.

Ang mga bintang aniya kay Diokno kaugnay sa 2019 national budget ay hindi totoo at wala ring naniwala kahit mismo si Pa­ngulong Rodrigo Duterte.

Hindi aniya ilalagay si Diokno sa BSP kung sumablay ito sa kanyang trabaho sa Department of Budget and Management (DBM).

“That’s their call. We have a good man there. We have an experienced man, we have an expert man, man of integrity,” ani ­Panelo.