Sinaway ng grupong Bayan Muna si Department of Budget and Management (DBM) Secretary Benjamin Diokno sa diumano’y pagtatangka na linlangin ang mga Pilipino sa pagbaba ng inflation rate noong Disyembre 2018.
Nililito diumano ng kalihim ang mga mamamayan sa kartada nito tungkol sa average na inflation noong nakaraang taon.
“Ang hindi sinasabi ni Secretary Diokno ay ang 5.2% na inflation average para sa 2018 ay mahigit doble ng kanilang target para dapat sa 2% hanggang 4% lamang na inflation. Ibig sabihin ay naging matindi talaga ang epekto ng TRAIN (Tax Reform for Acceleration and Inclusion) Law sa pagtaas ng presyo ng mga bilihin,” komento ni Bayan Muna chairman Neri Colmenares.