Nakiisa ang mga kongresistang miyem­bro ng Makabayan bloc sa panawagan na sibakin na sa puwesto si Department of Budget and Management (DBM) Secretary Benjamin Diokno.

Inisa-isa ng grupo ang mga dahilan kung bakit dapat nang lumayas sa poder si Diokno.

Una, si Diokno umano sa pamamagitan ng pinauso nitong cash-based budgeting system ang nagpakana nang pagtapyas sa budget ng mga ahensiya ng gobyerno na nagtataguyod ng mga serbisyong pang-lipunan gaya ng kalusugan, edukasyon at pabahay.

Pangalawa, ang ginawa umanong insertion ng ‘flood mitigation projects’ na nagkakahalaga ng P54B sa 2018 budget at P75B sa panukalang 2019 budget ng the Department of Public Works and Highways (DPWH).

Pangatlo, ang alokasyon ng mahigit P325M para sa mga proyektong pang-imprastruktura sa Casiguran, Sorsogon. (A.Cano)