Dion Waiters 6th man ng Lakers

Bumigat muli ang roster ng Los Angeles Lakers sa pagkuha kay Dion Waiters.

Binitiwan ng Purp En Gold si Troy Daniels, na hindi nagagamit sa roster.

Malaking dagdag si Waiters, at kung ikukumpara sa isa pang balak kunin na si JR Smith, mas maaasahan si Waiters na kayang mag-create ng space para sa sarili at makaiskor.

Ang tingin kong lamang ni Smith ay championship experience at depensa.
Mas swak lang si Waiters dahil hindi mauubusan ng iskor ang Lakers kapag umupo na si LeBron James.

Humihina ang Lakers sa opensa kapag naupo na si James.

Ang scoring ability ni Waiters ang dahilan kung bakit ito kinuha.

Nagkasama na sina James at Waiters sa Cleveland Cavaliers noong 2014-2015 season.

Sa 33 game ay makikita rito na nag-struggle si Waiters sa 2-spot kasama si James, lalo pa’t pare-pareho sila nina Kyrie Irving na ball dominant.

Ngayong nagsamang muli sila, tila may maturity na dapat sa parte ni Waiters, at kailangan niyang tanggapin na manggagaling siya sa bench.

Kung manggagaling off the bench, may tsansa itong hawakan ang bola nang matagal, na naaayon sa kanyang laro.

***
Hawak pa rin ng Memphis Grizzlies ang 8th spot ng Western Conference tangan ang 31-31 win-loss record.

Napunta naman ngayon sa 12th slot ang New Orleans Pelicans hawak ang 26-36.
Kasalukuyang nasa 3-game winning streak ang team ni Ja Morant habang ang kay Zion Williamson ay may 3 losing streak.

Lumiliit ang tsansa sa playoff spot, ngunit ang pagiging consistent ni Zion ang maaaring makapagpanalo sa kanya ng Rookie of the Year award.

Pero kung Memphis ang papasok sa playoffs, sigurado nang kay Ja Morant ang award, na deserving­ din naman sa ROTY.
***
Kung kayo po ay mayroong reaksiyon o nais itanong, mag-email lang po sa alecpaolo2016@gmail.com. Patuloy ninyo rin pong suportahan ang online show ng Abante, ang Sportalakan, tuwing Martes ng alas-sais nang gabi sa Abante News Online. Maraming salamat po!