Diouf ipapares kina Kobe, Ricci sa UP

Wala na si Bright Akhuetie sa University of the Philippines (UP) pero maliwanag pa rin ang future ng Fighting Maroons.

Ito ay dahil sa pagkuha kay big man Senegalese Maodo Malick Diouf mula sa Centro Escolar University (CEU).

Ayon sa report, nagkasundo na ang CEU at ang 20-anyos na sentro ­matapos makipagkita ang player sa mga ­opisyales ng UP.

Si Diouf ay mayroong 16.7 points, 19.5 rebounds, 3.3 assists, 2.9 blocks at 2.0 steals average per game sa nakaraang 2019 PBA D-League Aspirants Cup kung saan nagdala sa CEU Scorpions sa runner-up finish.

Bagama’t dagdag puwersa na ang 6-foot-11 Senegalese sa Diliman-based squad ay kailangan muna itong sumailalim sa one-year residency rule kung saan uupo muna ito ng isang taon sa UP at sa Season 84 pa sa taong 2021 makakapaglaro.(AE)