tonite-imo-vinia-vivarSa kanyang Instagram account ay sinagot ni Direk Cathy Garcia-Molina ang tanong kung padded daw ba ang first day gross ng pelikula niyang The Hows of Us na pinagbibidahan nina Daniel Padilla and Kathryn Bernardo.

Sa opening day last Wednesday ay kumita nang P35,938,622.74 ang pelikula at ipinost ito ni Direk Cathy.
Tanong ng isang netizen, bakit daw may butal at dito na naman daw magsisimula ang padding issue.
Paliwanag ni direk, eksaktong gross daw ito kaya makakasiguro tayo na walang padding.

“Hindi po. Diyan nga matatapos padding issue. Kasi galing mismo ‘yan sa official statement. Pag rounded off ang figures, ‘yun ang mas nakakatakot. Kasi impossible na saktong walang butal ang gross. May butal ang presyo ng tickets e. eksakto to. Promise,” ang sagot ni direk Cathy.

Sa latest post ng box-office director kahapon ay nakasaad na kumikita na raw ng P116,943,914.02 ang The Hows of Us as of August 31, meaning sa loob ng tatlong araw pa lang na pagpapalabas nito. Sa kanyang caption at nagpasalamat ang direktora sa buong Pilipinas.

Muli ay may nagtanong na naman kung bakit may butal at sagot naman ni direk, “you mean ‘yung centavos? Kasi yata dahil sa amusement tax na ibinabawas? I’m not so sure. Hehe.”

After The Hows of Us ay down to last 3 movies na si direk Cathy. Isusunod na niya ang Three Words to Forever na reunion movie nina Sharon Cuneta at Richard Gomez kasama si Kathryn.

Pagkatapos nito ay baka raw Piolo Pascual movie naman ang gagawin niya at sa kanyang last film, ang gusto raw niya ay mai­dirihe naman ulit niya ang favorite actor niyang si John Lloyd Cruz na as we all know ay ilang beses na niyang nakasama at sana raw ay ready na ulit ang aktor by then.

Coco pinangunahan ni Mystica

Wala pang balita kung pagbibigyan ni Coco Martin ang request ni Mystica na i-guest daw sana siya sa FPJ’S Ang Probinsiyano.
Matatandaang nakapanayam ng ABS-CBN si Mystica few days ago at na-reveal nga na nagtitinda na lang pala siya ng fried chicken na malayong-malayo na sa dati niyang ma­rangyang buhay nang kasikatan niya.
Napaiyak pa ang dating singer nang ikuwento niyang hindi sapat ang kanyang kinikita sa pagtitinda ng fried chicken at noong isang araw nga raw ay muntik na silang maputulan ng kuryente.
Kaya naman nanawagan siya kay Coco na sana raw ay bigyan siya ng panibagong break sa showbiz.
Hindi pa alam kung sasagutin ng Kapamil­ya Primetime King ang panawagan ni Mystica pero usap-usapan nga sa showbiz, knowing kung gaano kamatulungin ang aktor, hindi malayong pagbigyan niya ang request ng kasamahan sa industriya na nangangailangan.
Pero may nagsabi rin naman na sana raw ay hindi na lang idinaan sa TV ni Mystica ang request niya kay Coco at nagpasabi na lang daw sana ito in private.
“Si Coco naman, talagang tumutulong ‘yan, pero ang ginawa kasi ni Mystica, pinangunahan niya si Coco. Sana kinausap na lang niya in private at for sure naman eh pagbibigyan siya,” sey ng isang kasamahan sa hanapbuhay.
Latest na binigyan ng second chance ni Coco ay ang dating child actor na si CJ Ramos na matatandaang nakulong kamakailan dahil sa paggamit ng iligal na droga.
Ang bilis ng naging aksyon ni Coco dahil pagkalayang-pagkalaya ni CJ ay kinontak na agad ito ng FPJAP team at sumalang na agad sa camera.