tonite-this-is-it-roldan-castroBago pa nagpadala ng official statement ang ABS-CBN tungkol sa pagkakatsugi ni Direk Erik Matti ay may kuwento na ang aming source.

Nag-resign umano si direk dahil napikon na ito. Pinapabago na naman daw ng management ang script ng ‘Darna’. Nairita na umano si direk dahil 5 years na rin ito in the making.

Anyway narito ang statement ni Sir Kane Errol Choa, Head, Integrated Corporate Communications:

“ABS-CBN, Star Cinema, and director Erik Matti have mutually decided to part ways in the filming of “Darna” because of creative differences and to allow the filmmaker to work on his other projects under his own production company Reality Entertainment.

ABS-CBN and Star Cinema, however, are fully committed to bringing the iconic character to the big screen for today’s generation of moviegoers to witness the story of the well-loved Pinoy comics superhero. The new “Darna” director will be announced soon.”

Tarayan nina Andrea, Francine inaabangan

Magkasamang kikinang tuwing hapon ang mga bagong talento at mga bagong mukhang bibida sa “Kadenang Ginto,” tampok ang rising teen stars na sina Andrea Brillantes at Francine Diaz.

Sampung taong gulang pa lamang ay bumida na sa kanyang u­nang teleserye si Andrea na “Annaliza,” kung saan napansin ang taglay niyang galing sa pag-arte. Dahil sa naturang role, nakilala bilang teleserye princess si Andrea at napanalunan ang Best Child Performer Award mula sa PMPC Star Awards for Television noong 2013.

Nakasama rin siya sa “E-boy”, “Hawak Kamay”, “Ina, Kapatid, Anak”, “Pangako Sa ‘Yo”, “A Love to Last”, “Goin’ Bulilit”, at napanood sa ilang episodes ng “Maalaala Mo Kaya” at “Wansapanataym”.
Samantala, baguhan naman sa industriya si Francine ngunit nagpakitang gilas na bilang batang Erich Gonzales sa “Be My Lady” at batang Kim Chiu sa “Ikaw Lang Ang Iibigin”.

Bukod pa riyan, nagkaroon na rin siya ng roles sa “Maalaala Mo Kaya”, “Ipaglaban Mo” at “The Blood Sisters”.

Salpukan naman sa aktingan ang dapat na abangan sa “Kadenang Ginto”, kung saan gagampanan nina Andrea at Francine ang dalawang batang magkukumpitensya sa lahat ng bagay. Inaabangan na ang tarayan nila.

Tutukan sina Andrea at Francine sa “Kadenang Ginto” tuwing hapon sa Kapamilya Gold sa ABS-CBN.

Riza enjoy magliwaliw

Maganda at sariwa kung isasalarawan si Riza. Siya’y 18 years old, Travel Ambassadors of the Philippines 2018. BS Tourism student siya na gustong mag-travel, magliwaliw at mag-enjoy na walang iniisip.

Ang ultimate goal niya ay makapagtrabaho sa New York.

Talbog!