Direk Joyce, sobrang gulung-gulo sa script ni Bela Padilla

Ang Last Chance ang original title ng Last Night, ang reunion movie nina Piolo Pascual at Toni Gonzaga pero ang direktor na si Joyce Bernal ang nagpasya na palitan ang pamagat ng kuwento na isinulat ni Bela Padilla.

Dalawang araw lang na ginawa ni Bela ang script ng Last Night na nabuo ang kuwento habang nag-iikot sila sa Adriatico area ng then boyfriend niya na si Neil Arce, isa sa mga producer ng pelikula.

“Always a pleasure,” ang sabi ni Bela tungkol sa collaboration nila ni Bernal.

“I trust her completely. I consider her, kahit ayaw niya, na nanay ko siya sa showbiz. She’s my mentor.

“Mabilisan lang ang Last Night. Nang ibigay namin sa Star Cinema ang script, binigyan agad kami ng go-signal. I was actually taping for my TV show this year, hindi ako masyadong naka-attend ng mga pre-prod.

“Kung ano lang ang puwedeng puntahan, doon ako pumupunta pero I’m very lucky, hindi nila masyadong ginalaw ‘yung script,” ang kuwento ni Bela na bukod sa pagiging scriptwriter at story teller, nangangarap din na maging direktor, sa tulong ni Bernal.

Ayon kay Joyce Bernal, first time na hindi niya alam ang gagawin nang mag-umpisa ang shooting ng Last Night.

“Hindi ko alam ‘yung ending until it happened. Parang gulung-gulo ako. Ngayon lang ako hindi sigurado sa mga gagawin ko, sa mga gusto ko na ilabas.

“Meron akong definite na gustong mangyari pero hindi ko alam how to go about it with this movie. ‘Yung struggle don, ‘yun ang in-enjoy ko,” ani Joyce tungkol sa mga karanasan niya sa filming ng Last Night.