Sa isang panayam noon ni Vice Ganda kay Toni Gonzaga habang nagpro-pormote ng “Mary, Marry Me” sa kanyang programa, inamin ng aktres na minsang nahulog ang loob niya at umasa siya noon sa ka-love team na si Sam Milby.
Katunayan, muntik nang mauwi sa MU ang kanilang relasyon.
Hiningan namin ng reaksyon ang mister ni Toni na si Direk Paul Soriano sa naging rebelasyon ng kanyang misis tungkol kay Sam.
Ayon sa magaling na director, wala raw siyang selos factor na nararamdaman kay Sam.
“Whatever happened between them, for me, past is past. Ang importante, meron kaming Seve. We’re just living peacefully. Every one’s very professional naman pagdating sa trabaho. When it comes to personal life, everybody minds his own business,” paliwanag niya.
Ang “Mary, Marry Me” ay co-production ng Ten7P ni Direk Paul at ng bagong tatag na TinCan Productions ni Toni Gonzaga.
Hirit pa ni Direk Paul, walang ilangan factor daw sa kanila ni Sam habang ginagawa ang pelikula.
“Actually, Sam’s very cooperative and collabora­tive. He’s very generous on giving his inputs kung paano pa mapagaganda ang pelikula. One thing that I appreciate about him,” tsika niya.
Paliwanag pa niya, hindi siya ang nagdirek ng nasabing MMFF movie para iwas-away sila ni Toni.
“At that time, I was working on Aga-Bea for First Love, so I wasn’t  able to put full efforts in “Mary, Marry Me” kasi baby ito ni Toni. It’s her story. Kuwento niya talaga. She started this last year pa and of course, kaya rito nabuo ang TinCan Films. That’s why I chose to produce na lang kasi we’re husband and wife, so iwas away. Okay na rin naman ako, kasi kapag ako ang magdidirek, siya ang magdidirek sa akin,” aniya. “I just told her na magpro-produce na lang ako. Si RC (De los Reyes), the director, he’s been with me for 4 to 5 years, so naisip ko na bigyan siya ng break. He did a great job naman and we’re happy that it’s our entry to the MMFF,” dugtong niya.
Pagbabahagi pa niya, magko-concentrate ang kanyang Ten7P sa paggawa ng mga seryosong art films
samantalang ang TinCan na pinamamahalaan ni Toni ay magpopokus sa pagproprodyus ng mga mainstream film.
Tampok sa “Mary, Marry Me” sina Toni Gonzaga, Alex Gonzaga at Sam Milby.