Malapit nang magkaroon ng direct flights sa pagitan ng Pilipinas at Maldives matapos ang matagumpay na negosasyon kahapon.
Sa dalawang araw na pag-uusap ng pamahalaan ng Pilipinas at Maldives, napagkasunduan nilang magkakaroon ng 1,200 seats kada linggo na bibiyahe sa dalawang bansa.
Ang mga biyaheng magmumula ng Maynila at Maldives ay limitado lamang sa 1,200 seats subalit ang mga biyaheng pa-ibang lugar sa Pilipinas tulad ng Cebu o Clark ay unlimited.
Sabi ng Department of Transportation, ito ay dahil sa pocket open skies policy ng Pilipinas na naglalayong magsulong ng ibang international gateways sa bansa na malayo sa Maynila.
Ang Maldives ay nasa Indian Ocean at isang sikat na international tourist destination.