MATAGAL-TAGAL nang nagdidirek si ate kaya alam na alam na niya ang pasikut-sikot at mga kailangan sa teleserye man o sa pelikula.
Bitbit niya lagi ang kanyang boyfie at ‘pag naghahanap ang production ng talent, ipinagtutulukan niya ang kanyang jowa.
Nagampanan na yata ng boyfriend niya ang lahat ng role — macho dancer, titser, driver, bodyguard, waiter, leader ng gang, kapatid ng bida na walang linya, DJ ng party-party — basta, lahat-lahat.
Mataas ang talent fee nito kahit banung-bano umarte, huh?!
Hindi naman nila ito mapagalitan or else, mag-iinit ang ulo ni directed by at maghihimatay-himatayan ito.
Boom!
Kaya ang executive producer, wala na lang magawa.
Minsan, kailangan nila ng crowd. Have din niyan si direk kaya siney niya sa EP na iyong mga talent na lang niya.
Tinutulungan daw niya ang mga ito, pero iyong crowd pala ay mga jumangkin niya, mga pininsan, inaanak, anak ng mga kumare niya at kumpare, etc etc etc.
At eto ka… ‘pag nagkakamali, hindi niya tinitilian.
Ang ina-award ni direk, iyong mga jurtista.
Juice colored!
May cut-off din ang binitbit niyang crowd, kaya ang executive producer, halos himatayin dahil may dagdag presyo pa ang talent fees ng mga kamag-anak na crowd.