Direktor, nag-walk out sa sikat na young actress

NAG-WALKOUT ang isang kilalang direktor sa irita nito sa isang sikat na young actress.
Hindi memoryado ng sikat na young actress ang kanyang mga linya at nakailang takes na ay hindi niya ito makuha-kuha.

Sa pagkaimbiyerna ng kilalang direktor ay bigla nitong nilayasan ang set.

Sa kung anong kadahilanan ay hindi matandaan ng sikat na young actress ang kanyang mga dayalog kaya nagkapalpak-palpak ang kinukunang eksena.

Ang sikat na young actor na katambal at ka-loveteam ng sikat na young actress ay walang problema sa mga linya nito.

Maging ang isa pang young actor na co-star nila ay alam ang mga sasa­bihin nito, pero ang sikat na young actress ay hindi maalala ang kanyang mga linya.

Ang siste pa, sa isang malayong lugar ang location ng nasabing proyekto ng sikat na loveteam kaya limitado ang oras nila para mag-shoot at hangga’t maaari ay binibilisan nila ang kanilang trabaho.

Para mag-walkout ang kilalang direktor, ibig sabihin ay sobrang dismayado ito sa performance ng sikat na young actress.
Sa halip na magalit, sumigaw o magmura ay umalis na lang ito sa set.

Muntik-muntikan nang ma-packup ang shoot nu’ng araw na ‘yon dahil sa walkout moment ni direk.

Buti na lang at bumalik din sa set ang kilalang direktor matapos magpahangin at magpalamig ng ulo.

Pasalamat pa rin ang sikat na young actress na hindi na-pack up ang shoot dahil sa kanya.

Matapos ang ginawa ni direk ay halatang bothered ang sikat na young actress at hindi na maipinta ang mukha niya sa set.

Alam niya kasing kasalanan niya, kaya parang naghalu-halo na ‘yung guilt, tensyon at pressure sa itsura niya.

Siguro ay nagsilbing leksyon sa sikat na young actress ang ginawang ‘yon ng kilalang direktor at ayaw na niyang maulit pa ‘yon.

Hindi porket sikat siya ay palulusutin ni direk ang pagbabaya niya.

Kahit saang anggulo niya tingnan ay sign ng unprofessionalism ang pagre-report sa set nang hindi kabisado ang mga linya!