Direktor nagbitiw sa ‘Running Man’

May pagbabago kaya na magaganap sa well-loved variety show na “Running Man” sa mga susunod na buwan?

Nagulat ang karamihan nang mag-release ng statement ang SBS na mag-step down na ang Producing Director ng show na si Jung Chul Min.

Ito’y dahil sa health issue. Sa February 18 na ang last taping niya.

Sa interview ng OSEN sa PD, ipinahayag nito ang totoong dahilan at kung bakit siya nag-come out sa desisyon na iwan ang isa sa pinakasikat na Korean variety show.

Ayon kay Producing Director Jung Chul Min, “I’ve been a producing director for about 11 years now, and seven of those years I’ve spent working continuously on ‘Running Man.’

“Have had thoughts of trying out different kinds of work. Additionally, my health isn’t that great, and my knee is in bad shape.

Dugtong pa niya, “It’s not easy coming up with new items and ideas every week,” he continued. “I had strongly requested the chance to take a break from the show and receive some new input,” sey niya.

Ang matagal na ring Assistant Director ng show na si Choi Bo Pil ang papalit kay Jung Chul Min.

“Since [Choi Bo Pil] has worked as an assistant director on ‘Running Man’ for a long time, he knows the cast very well, and he has a good relationship with all of them. I think he will be able to breathe new life into the show and amp up anticipation for it.”

Samantala, kanselado sa February 9 ang show ng Running Man sa SM Mall of Asia. Mamo-move ito sa June 21, 2020 ayon sa PULP Live World’s social media pages. Ito ay sanhi rin ng kumakalat na coronavirus.