Aminado si Direk Danni Ugali na na-intimidate siya kay Andi Eigenmann. Bida niya ito sa pelikulang ‘The Maid In London’ na showing sa July 4.
Ito ang directorial debut ni Direk Danni. Ang una niyang impression kay Andi ay suplada, kaya kahit first choice niya ito para sa role ng isang OFW sa London na nagtatrabaho bilang maid, muntik pang mapunta kay Bela Padilla ang role.
“Akala ko kasi noong una ay may pagka-suplada siya, hindi naman sa iyon lang ang impression ko kay Andi talaga, nababasa ko bale iyon.
“Pero nang nakita ko na siya, nakausap ko na siya, nalaman ko na hindi naman pala. Especially nang nakatrabaho ko na si Andi, doon ko na-realize na totoong tao nga siya, natural lang siya, hindi celebrity. Normal lang siya, kaya mas nagustuhan ko si Andi, kasi mas gusto ko ang mga artistang ganoon, eh,” esplika ni Direk Danny.
“Actually, si Bela sana but since busy si Bela, they offered kung gusto ko si Andi. Sabi ko. ‘Mas bagay actually kaya lang afraid ako na baka di magustuhan ‘yung script. But then pinabasa and surprisingly nagustuhan niya.
“Noong nagca-cast na kami, medyo kinabahan po ako noon kay Andi. Pero nang first time na na-meet ko na siya, nawala lahat. Kasi nag-usap kami bago mag-shoot. Pero noong una talaga, sobrang ayaw kong magpakita sa kanya. Actually, sinisilip ko lang siya from the car, nasa labas siya, sinisilip ko lang si Andi, sabi ko, ‘Magpapakita ba ako o hindi?’
“Sabi nila, ‘Kailangan, kasi ikaw ‘yung magdidirek.’ So ‘yun, after na mag-usap kami na ganito ‘yung gagawin niya, ganito siya magtatrabaho, so after niyon okay na, nawala na. ‘yun.”
Idinagdag pa ni Direk Danny na sobrang satisfied siya sa ginawang performance rito ni Andi. Kasama rin sa ‘The Maid in London’ sina Matt Evans, Polo Ravales, Janice Jurado, Joshua de Guzman, Star Orjaliza, Tere Gonzales, at iba pa.