Gaano katotoo ang mga kumakalat na balita na sinisante raw umano ng GMA-7 management ang director na si Toto Natividad kaugnay ng nangyaring aksidente sa beterano at multi-awarded actor na si Eddie Garcia?
Ayon sa balita, may pagkukulang daw ang direktor dahil ilang beses daw nitong pinaulit sa Urian best actor sa pelikulang “ML” ang mga eksenang kinunan sa set ng Kapuso teleseryeng “Rosang Agimat.”
Matatandaang si Garcia ay nagkaroon ng freak accident sa set ng nasabing series nang mapatid ito ng cable na naging viral sa social media.
Kahapon nga ay pumanaw na ang beteranong aktor.
Si Natividad ay dating action director ng “FPJ’s Ang Probinsyano” sa ABS-CBN na lumipat sa rival network bilang direktor ng teleseryeng “Cain at Abel” noong nakaraang taon. (Archie Liao)