Nagsalita na si Direk Theodore Boborol, ang direktor ng primetime serye na ‘Make It With You’ na pinagbidahan nina Enrique Gil at Liza Soberano sa pagkakatsugi ng kanilang show.

Sey ng direktor sa tweet, lubhang naapektuhan ang ABS-CBN dahil sa pag-shutdown kasabay pa ng COVID-19 pandemic.

“ABS-CBN was already badly hit by the pandemic, and then suffered a double blow when its renewal was not granted. Decisions had to be made and we respect and understand why it ought to be done,” lahad ni Boborol.

Paliwanag pa niya, ang ibang magbabalik na series tulad ng “FPJ’s Ang Probinsyano”, “A Soldier’s Heart,” at “Love Thy Woman,” ay mayroon nang mga pondo na episode bago pa man tumama ang COVID-19 pandemic sa bansa.

“The returning dramas have multiple episodes already in the can even before the pandemic hit,” sey pa niya.

“We are not the only one. Let us just support the shows that will continue airing and the new shows that will be launched,” hirit pa ng director.

Muling mapapanood ang ilang show ng ABS-CBN sa Kapamilya channel, na ipapaplabas sa SKY, Cablelink, G Sat at iba pang cable operator simula June 13. (RP)