Direktor umurong ang ‘balls’ sa mga fan nina Vice, James, Moira

Nakakaloka, parang laban-laban o bawi-bawi lang ang pag-o-opinyon, huh! Kung nanalig ka sa mga hanash mo, dapat, kaya mong tayuan at ilaban, huh.

Halimbawa, kahit pa nga hindi niya sinabi kung anong programa ang kanyang pinarurunggitan, alam na alam mong ang hanash na ni direk Joey Reyes ay para sa “Idol Philippines.”

Ang pahayag ni Reyes sa kanyang social media account: “Suggestion: Jed Madela, Gary Valenciano and Morisette Amon as replacements? Credibility is important… more than celebrity.”

Siyempre pa, hindi mo na kailangang mag-one-plus-one-equals two at alam na alam na agad ang lambing ni direk Joey sa mga Pulis Pangkalawakan eh bago pa mahuli ang lahat, magpaalam na aking mahal bilang mga hurado ang nakakaantok na si Moira, ang lelembot at laging kulang sa enerhiyang si James Reid at ang nagmamagandang si Vice Ganda.

Dahil sa pahayag na iyan ni direk Joey, he brewed his own tempest at ang resulta, blitzkrieg bashing and ha-ting ang kanyang tinanggap mula sa mga panatiko nina Reid, Moira at Viceral.

Kaya ang opinionated na director, ang ginawa: “A misstep to make suggestions. We all want the show to work to give chance to new talents. My apologies for the insentivity.”

Well, alam naman tiyak ni direk Joey what wars to fight kaya kung sakali mang umurong ang bayag niya sa pakikipagdiskusyon sa mga nagmamarunong at feeling eh mas may alam sila sa mahusay na pagkanta at pagtuklas ng mga bagong talent, hinayaan na lang niya sa mediocrity that they so deserve.

Ang isa pang may hanash tungkol sa contest ay ang mahusay na mang-aawit na si Bituin Escalante. Ang pahayag niya: “If I joined Philippine Idol, hindi ako papasa sa judges… kay Reg lang. At okay ako don.”

Ang bongga sa hanash ni Bituin, ang mga sumusunod na opinion, nag-second the motion sa kanyang ipinahayag at ang mga reaksyon ni Escalante, kainaman rin. Sa true lang, napaka-positive ng kanyang engagement sa mga sumasang-ayon at hindi sumasang-ayon sa kanyang paglalahad.

Ang ga­nitong mga ha­nash tungkol sa “Idol Philippines” goes to show na marami talaga ang nanonood dito at dasal nilang lahat, ang karanasan ng mga taga-Kamuning, when they did “Pinoy Idol” eh hindi na maulit at kay Mau Marcelo na naging “Philippine Idol” sa ABC 5 pa dati at lumaban pa nga sa “Asian Idol” at pagkatapos nu’n, biglang na-lost in space ang karera.
May nakaka-alala pa ba kung sino ang nanalo sa nasabing “Pinoy Idol”? Parang the WHO na the WHO na siya ‘di ba? Si Mau, sumali sa ‘Tawag ng Tanghalan’ sa “It’s Showtime” pero hindi na pinalad.

Kaya ganu’n na lang ang malasakit ng mga manonood, maging artista man o hindi, na talagang the best singers ang mapipili dahil sayang naman kung hindi pa nga sumisikat in a major, major way ang “Idol Philippines” winner, laos na agad lalo na nga’t nagbabanta ang pagbabalik ng isa pang international singing competition franchise.
***

Ethel Booba, Sasot magsabunutan na lang sa ilog

Ang bungangaang nagaganap sa babaeng baklang si Ethel Booba at ang baklang naging babae na si Sass Sasot, ang diva that you love, ang kinakampihan siyempre ay ang bukod tanging babaeng nagpapatawa sa lahat, si Booba.

Sa online tarayang ito, hindi debate ang kailangan. Pagharapin ang tunay na babae at ang nagpapanggap na babae at labo-labo na agad. Bongga nga kung mud wrestling ang mangyayaring sagupaan. O kaya sabunutan sa ilog habang magic kamison lang ang suot para magkaalaman na kung may lawit at bayagan pa ang isa sa kanila. Puwede rin naman, literal na “drag race.” In full glamour, long gown kung long gown, naka-heels, tapos takbuhan at paunahan sa finish line. Charot! Hahahaha!

Juice colored! Seryosohin ba natin ang panawagan ni Sasot? Ethel Booba for the win! Ethel Booba is the Queen of Charot! Magsama silang dalawa ni Vice Ganda, pareho naman ang pinopoon nila, huh!