“Gumagana ba ang disciplinary bodies­ laban sa mga abusadong mi­yembro ng Philipine National Police?”

Ganito ang tanong ni Kabayan party-­list Rep. Harry Roque dahil sangkatu­tak, aniya, ang disciplinary bodies na kinabibilangan ng National Police Commission (Napolcom), Internal Affairs Service (IAS), People’s Law Enforcement Board (PLEB) subalit mistulang hindi ramdam ang mga ito sa dami ng mga pulis na nagkakasala.

Ayon kay Roque, bukod sa hindi nara­ramdaman ng taumbayan mga disciplinary authorities na ito, ay masya­dong mabagal umano ang mga ito sa pagpapataw ng parusa sa mga nagkakasalang pulis.

Sinabi ni Rogue na walang nang naririnig ang publiko kung mayroong naparusahan sa “hidden jail” sa Station 1 ng Manila Police District (MPD) sa Tondo, Manila at maging ang mga sangkot sa “wheel of torture” sa ­Laguna noong 2014.

Dahil dito, iminungkahi ng mamba­batas na gawing “central disciplining ­authority” ang Napolcom subalit kaila­ngang magsagawa, aniya, ang komisyon ng motu propio investigation kapag may mga miyembro ng PNP na nagkakasala.