Discoverer ni Liza ‘di itinakwil ni Ogie

Hindi ikinakaila ni Ogie Diaz na sumama umano ang kanyang loob sa dati niyang alagang si Vice Ganda nang kumalas ito sa kanya.

Pero si Vice rin mismo ang nag-reach out sa kanya para magkaayos sila kaya okey na umano sila ngayon.

Hindi pala si Vice Ganda ang unang talent na hinawakan ni Ogie kundi ang yumaong komedyante na si Tado.

Nang mawala si Vice, dumating naman sa kanyang buhay si Liza Soberano na personal na dinala sa kanya ng discoverer nito. Ang maganda kay Ogie, sini-share niya ang blessings ni Liza sa discoverer nito hanggang ngayon.

Ogie is co-managing Liza with Star Magic pero siya na mismo ang personal na nagbibigay ng share sa discoverer nito hanggang ngayon.

Ex ni Troy newscaster na sa LA

Isang masayang intimate birthday lunch ang ginanap last Sunday (November 10) sa Café Juanita in Pasig City. Ito’y para sa 73rd birthday ng dating matinee idol ng Sampaguita Pictures na si Roger Calvin.

Dinaluhan ito ng kanyang malalapit na kaibigan tulad ng mag-asawang Ronaldo Valdez at Maria Fe ‘Baby’ Gibbs, Liza Lorena, (Lizzie Winsett), Divina Vaencia (Quesada), Jimmy Bautista, Erie Aquino, Josefina Mapalo, Minda Morena, Leelee Exarhos, Edward Perez veteran director Elwood Perez, Manny Regado, Dr. Rose Regado and colleagues Boy Villasanta, Armand Reyes at Dave Rojo.

Although nagkaroon ng special guest appearance si Roger sa top-rating and longest running action-drama series na “FPJ’s Ang Probinsyano” na pinagbibidahan ni Coco Martin. Umaasa ang dating New York-based actor na mabibigyan pa siya ng pagkakataon na maging aktibong muli sa kanyang showbiz career na mahigit apat na dekada niyang tinalikuran.

Anak ni Roger ang ex-girlfriend ni Troy Montero at isa na ngayong sikat na TV personality at newscaster ng KTLA (TV) sa Los Angeles, California, USA. Siya’y si Cher Calvin.

Nagsimula sa Pilipinas ang TV career ni Cher nang magkaroon ito ng isang lifestyle-magazine show sa GMA bago siya lumipat sa dating Studio 23 ng ABS-CBN. Pero nang siya’y mag-audition sa Las Vegas-based na KVVU (Fox TV) ay iniwan niya ang kanyang career sa Pilipinas. Mula sa KVVU ay kinuha naman siya ng KTLA na kanyang pinaglilingkuran hanggang ngayon.

Since sa Los Angeles, California na naka-base si Cher (na single pa rin hanggang ngayon), si Roger ang bumibisita sa kanya. Pero sa darating na December ay magbabakasyon sa Pilipinas ang kanyang anak.