Disgrasya ng Chiefs, isinisi kay Jalalon

Na-criticize si Jio Jalalon dahil ipinasa nito­ ang tsansa na ipanalo­ ang Arellano laban sa San Beda­ sa Game 1 ng NCAA 92 men’s basketball finals noong Huwebe­s sa MOA Arena.

Sa halip na tumira, ibinigay ng Bus Driver ang bola sa kakamping si Dioncee Holts na open sa perimeter. Sumablay si Holts, at tumaob ang Chiefs, 88-85. Tuloy, puwede nang sakmalin ng Lions ang titulo sa Game 2 sa Martes sa parehong venue.

Pero kung mauulit ang pagkakataon, hindi pa rin magdadalawang-isip si Jalalon na pasahan si Holts.

“Tiwala naman ako sa kanya (Holts) at nagka-cramps ako,” ani Jalalon pagkatapos lunukin ang talo.

May plays pa na nasa kamay ni Jalalon ang ­bola sa isolation pero hindi maipasok. Sa isa pang eksena, pinasahan ni Jalalon si Lervin Flores na rumesponde ng go-ahead reverse layup 85-84 ­mahigit 2 minutes pa, pero iyon na rin ang huli nilang basket.

Ang huling kikig ng Arellano ay ang despera­tion three-pointer na pinakawalan ni Jalalon.

Sa kabila nito, nangako si Jalalon na babalik.