MASAYA ang Philippine Sports Commission (PSC) ang pag-apruba sa matagal na nitong hinihiling para sa mga pambansang atleta at coach na 20% discount.
“The PSC board is happy with this development,” sabi ni PSC Chairman William ‘Butch’ Ramirez.
“We have been looking forward to this and we are thankful that our athletes and coaches will finally enjoy the privilege they deserve.”
Matagal nang isinusulong ng PSC na maipatupad ang implementasyon ng nakasaad sa batas na pribilehiyo para sa mga pambansang aleta na naisakatuparan sa pakikipagtulungan ng Bureau of Internal Revenue (BIR).
Ang 20% discount para sa mga atleta at coach na nakalagay sa probisyon sa Republic Act 10699, ay tuluyan na maipapatupad matapos ilabas ng BIR ang Revenue Regulation 13-2020, na may petsa na Mayo 27.
Matatandaan na inireklamo ng wushu artist na si Agatha Wong ang hindi pagpapatupad sa nasabing insentibo sa mga pambansang atleta na naging dahilan sa pakikipag-debate nito sa isang restaurant manager habang kasama na kumain ang pamilya. (Lito Oredo)