NI: RONA RONDA

Pumanaw na ang Animator ng Walt Disney Studios na si Ann Sullivan dahil sa komplikasyon sa COVID-19. Namalagi siya sa nursing facility ng Motion Picture Television Fund (MPTF) sa Woodlang Hills, California.

Ikatlo siya sa resident ng MPTF home facility na pumanaw dahil sa virus. Nauna sa kanyang namatay ang aktor na si Allen Garfield, 80, at John Breier, 64.

Kabilang sa ginawa ni Sullivan ay ang 29 animated Disney films. Siya ang nagbigay kulay sa Lilo & Stitch, Pocahontas, The Little Mermaid at ang 1994 version ng The Lion King.

Ang MPTF ang nangangalaga sa mga taong nagtrabaho sa film at entertainment industry sa loob ng 50 taon.