Distemper: Ang nakamamatay na canine virus

Kamusta na mga PETmalu!

Dahil summer na, usong-uso ang Canine Distemper. Ang sakit na ito ay galing sa isang virus na napaka-deadly. Ang Aspin kong si Bailey ay survivor nito. Isang buwan at kalahati naming nilabanan ang virus na ito at sa tulong ng isang experimental treatment, nag-survive siya.

Ano ang Canine Distemper?

Ito ay sakit na galing sa virus. Sinisira ng nasabing virus ang nerves, gastrointestinal tract, baga, spinal cord at utak ng aso. Labis na nakakahawa ito at mataas ang mortality rate. 80% ng mga tuta at higit sa 50% ng mga adult dogs ay namamatay! Kadalasan, ang rekomendasyon ng beterinaryo ay ipa-euthanasia nalang ang aso.

Paano ito kumakalat?

Sa tatlong paraan: Direct contact, airborne exposure at sa pag-tagos sa placenta.

Anu-ano ang mga sintomas nito?

Early Stage Distemper – lagnat, sore eyes, sipon, panghihina, walang gana sa pagkain, pagsusuka at diarrhea. Kadalasan kumakapal at tumitigas ang ilong at paw pads ng aso kaya ang tawag din sa sakit na ito ay “hard pad disease”.

Neurological or Late Stage – muscle twitching, head bob, chewing gum motion at kombulsyon.

May cure ba ang Distemper?

Wala po itong cure. Lahat ng gamot at pag-aalaga sa isang Distemper dog ay supportive lamang. Isa sa mga gamot na madalas gamitin sa Pilipinas bilang supportive therapy ay ang Canglob D, isang immune-booster.

Kung may hinala ako na may Distemper ang aso ko, ano ang dapat kong gawin?

I-isolate ninyo agad ang asong may sakit lalo kapag may ibang aso kayo sa bahay. Ang Distemper ay lubos na nakakahawa at isolation lang ang paraan para hindi lumipat ang virus sa ibang aso.

Pangalawa, huwag hintayin na gumaling ang aso. Isa sa mga ‘modus operandi’ ng Distemper ay ang pagiging urong-sulong na sakit. Matamlay ang aso ngayon, bukas ay parang gumaling na. Pero sa tutoo lang tuloy-tuloy pa rin ang pag-dami ng virus sa loob ng katawan ng inyong aso.

Alalahanin: Kapag may sintomas si doggy, dalhin agad-agad sa beterinaryo. Mas mataas po ang chance of survival kapag maaga ninyo napa-diagnose ang inyong aso.

Ano ang dapat kung gawin para hindi magkaroon ng Distemper ang aking aso?
Ipa-vaccinate ang aso, taon-taon at huwag ninyong pabayaang makipaglaro ang alaga ninyo sa mga asong walang vaccination.

Sa susunod kong column, ibabahagi ko sa inyo ang experimental Distemper treatment na ginawa sa aso kong si Bailey at kung paano siya nag-survive.

Abangan po ninyo!
Nagmamahal,
Joyce