Divina disbarment itutuloy ng Senado

Nilo Divina

Nalusutan man ni UST Civil Law Dean Atty. Nilo Divina ang criminal responsibility, sa pagkamatay sa hazing ni law freshman Horacio ‘Atio’ Castillo III, buhay pa ang disbarment case sa Supreme Court na maaaring humubad sa lisensiya nito sa pag-aabogado.

Ayon kay Senador Migz Zubiri, maaari pa ring ituloy ang disbarment case laban kay Divina na kasama sa kanilang rekomendasyon kaugnay sa kasong pagpatay kay Atio.
“On the issue of Dean Divina, pwede pa rin naman na matuloy ang disbarment case niya for not immediately informing the Castillo family on the murder of their child as recommended by the Senate Committee report,” saad ni Zubiri.

Sa kabilang dako, ikinatuwa naman nito ang pagsusulong ng kasong kriminal laban sa 10 miyembro at opisyal ng Aegis Juris Fraternity na sangkot sa hazing kay Atio.
“We have done our part in passing as well a stricter Anti-Hazing Law and so we thank the DOJ for acting on this matter, as we all continue to hope for justice to finally be served to the family of Atio,” dagdag ni Zubiti.

Hinikayat din ng senador ang lahat ng may kinalaman sa kaso na magtulungan upang lumabas ang buong katotohanan sa korte at malinis na rin ang konsensya ng lahat.