Divorce bill nganga sa takusa

divorce-image

Kung sisimulan na ang debate sa panukala para sa ligalisasyon ng diborsyo sa bansa, mananahimik muna dito si Sen. Panfilo Lacson dahil sa takot sa kanyang asawa.

“‘Di pa ako ready to decide, baka bugbugin ako ng asawa ko ‘pag sinabi kong payag ako sa divorce. Kaya quiet muna. Let’s hear the deliberation,” paliwanag ni Lacson.

Ayon kay Lacson, mayroon namang annulment ngayon sa bansa subalit magastos at mahaba ang prosesong pagdadaanan dito kumpara sa diborsyo.

Sa panig ni House de­puty speaker at Capiz Rep. Fred Castro, tinawag nitong mga duwag ang mga mambabatas na pumapabor sa divorce bill.

“Ako ay hindi sang-­ayon sa divorce dahil ako ay naniniwala na kung ano ang sinumpaan ko sa Diyos sa batas ng Diyos at saka sa batas ng tao dapat panindigan ko… Sila ay mga duwag na tayuan kung ano ang kanilang sinumpaan sa batas ng Diyos at sa batas ng tao,” pahayag ni Castro.

Ayon naman kay Deputy Speaker Miro Quimbo, dadaan sa masusing debate at pag-aaral ang divorce bill gaya ng Reproductive Health Law.

“…napakahirap talag­a na pag-usapan ang divorce by the word itself it’s a really western concept na parang ‘pag in-impose mo dito sa atin tila isang dayuhang konsepto.­

Ang mas tingin ko ay palawigin natin ‘yung exis­ting laws para hindi naman panghabambuhay ay preso ang isang tao sa isang relasyon,” sabi ni Quimbo.