Inaprubahan ng technical working group (TWG) ng House committee on population and family relations ang substitute bill na may kinalaman sa mabilis na proseso at abot-kayang paghihiwalay ng mag-asawa.
Inihayag kahapon ni Albay Rep. Edcel Lagman na malapit nang maaprubahan ang panukala.
“First, we are proposing an inexpensive and affordable divorce in which litigants or petitioners will be given the opportunity to file their petitions without paying the cost of litigations. The court will appoint counsel-de-officio for said litigants and the court will also assign social workers, psychologists, psychiatrists to assist the petitioners and the court,” ayon kay Lagman.
Nauna nang sinabi ni Lagman na kumpiyansa siya na maisasabatas ang panukala bago magtapos ang 17th Congress sa Hunyo 2019.
Naniniwala si Lagman na ang pag-apruba sa divorce bill ay mas madali kaysa sa kontrobersiyal na Reproductive Health (RH) Law. (Aries Cano)